another day in kate’s twisted paradise

thortz

Busog…

Kung ako ay busog, ang hirap mag-isip

Ang hirap magbasa at intindihin ang laman nito

Ang hirap hindi antukin dahil sa sobrang busog

Pag busog,ang sarap matulog

Pero masarap mabusog

Masarap kumain ng iba’t ibang pagkain

Lasapin ang langhap at sarap

Ng katakam-takam na makakain

Ngunit habang kumakain, hindi namamalayan

Sobra na pala ang “nalamon”

Hindi na makatrabaho

Pagbalik sa opisina, gust nang matulog

(Gawa sa loob ng limang minuto.)

August 24, 2007 Posted by Kate | just another day, tula | | No Comments Yet

Pananabik

Nangangati ang kamay

May nais gawin
May hinahanap
May nais kapain

Tila tigang na
Ang mga daliring uhaw
Kaytagal na nang
Huling dumapi
Sa instrumento ng kaligayahan

Nananabik na
Ang paglalaro ng mga dlairi
Nang marinig na ang
Himig ng gitara
Tugtuging kay ganda

December 13, 2005 Posted by Kate | just another day, r&r, tula | | No Comments Yet

Pagtakas

Sa isang tuyong paligid
Sa gitna ng lungsod
Mabilis ang bawat hakbang
Natataranta ang bawat gunita

Nawawala…

Naliligaw…

Naghahanap ng landas
Na maluwag na tatahakin ng diwa

Sa gitna ng kawalan
Ninanais tumakas…

Patungo…

Sa Sunken Garden
Nakaluklok sa lawak ng paaralang
Tinuring na tahanan

Uupo sa latag ng malamig at berdeng damo
Napapaligiran ng malalaking puno

Mamasdan ang mga taong dumadaan
Titingala sa kapayapaan ng langit
Habang humahaplos ang
Lamyos ng sariwang hangin

Hihinga ng maluwag
Pipikit at sa mukha’y
Makikita ang pagngiti ng damdamin

O di naman kaya’y…

Sa tabi ng dagat
Sa bayang
Kumupkop sa aking pagkabata

Babaybayin ang tubig-dagat
Habang dumadampi
Sa kislap ng buhangin

Titigil sa isang may lilim na lugar
Pagmamasdan ang kinang ng dagat
Sa saliw ng awit ng alon
Na sinusuyo ang pusong lumbay

Magbibigay liwanag ang sinag ng araw
Yayakap ang lamig ng hangin
At mabibigyang buhay sa diwang sabik

December 12, 2005 Posted by Kate | life, tula | | No Comments Yet

isang umaga

Maga ang mata,
ngunit tuloy pa rin ang pag-ngiti ng labi.
Sa pagsikat ng bagong umaga,
siya namang simula ng bagong buhay.

Kahit hirap sa pagtingin, o mabigat ang ngiti,
hindi hihinto ang pag-ikot ng mundo.

Maya’y lulubog ang araw, liliwanag naman ang buwan,
at walang humpay tuloy pa din ang pagsikat muli ng araw.

March 27, 2005 Posted by Kate | just another day, life, tula | | No Comments Yet

isang gabi

Maulap man ang kalangitan sa ating dalawa ngayon,
sumusulyap pa din ang liwanag ng buwan.

May ningning pa din ang mga bituin,
tulad ng pagtibok ng aking puso kung ika’y nakikita.

At may kagalakan ang dampi ng hangin,
gaya ng dala ng bawat mensahe mo.

March 25, 2005 Posted by Kate | just another day, life, tula | | No Comments Yet